Alamat Ng Sampaguita Buod At Aral Na Makukuha Dito

Ano Ang Buod Ng “Alamat Ng Sampaguita”

ALAMAT NG SAMPAGUITA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang mga aral at ang buod ng kwentong “Alamat Ng Sampaguita”.

Sa isang malayong lugar sa Norte, may naninirahang napakagandang dalagita na kilala bilang “Liwayway”. Dahil sa kanyang kagandahan, naging sikat ito kahit pa sa mga malayong bayan. Marami rin ang naging manliligaw nito.

Subalit, isa lamang ang inibig nito, ang lalaking si Tanggol. Inatake si Tanggol ng baboy ramo at si Liwayway at ang kanyang tatay ang tumulong dito.

Alamat Ng Sampaguita Buod At Aral Na Makukuha Dito

Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.

Ngunit ng umalis si Tanggol, napaisip ang isang manliligaw ni Liwayway na siraan ang iniibig nito. Sabi niya, ang huling sinabi raw ni Tanggol sa kanya ay “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”.

Dahil sa lungkot, namatay si Liwayway. Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga magulang. Ang rason daw ng kanyang matagal na pagbalik ay dahil nagkasakit ang kanyang ina.

Sa sobrang paghihinagpis ay araw-araw itong pumunta sa puntod ni Liwayway at halos madilig ng luha nito ang puntod ng kanyang nasawing mahal.

Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Simula noon, tinawag na Sampaguita ang “halaman” para sa kanilang sumpa sa isa’t-isa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Sabayang Pagbigkas Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment