Ano Ang Paleolitiko? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Nga Ba Ang Paleolitiko? (Sagot)

PALEOLITIKO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na paleolitiko at ang kahulugan nito.

Ang salitang paleotiko ay unang nagamit ng mga Griyego. Ito ay nagmula sa katagang Griyego na paleos at lithos na ang ibig sabihin ay matandang bato o lumang bato.

Ano Ang Paleolitiko? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sa kasaysayan, ang paleolitko ay naglalarawan sa panahon na makikita ang pinagbago ng anyo ng tao at mas nagiging kapansin-pansin. Ang paleolitiko ay nag simula sa pag diskubre ng mga unang tao sa apoy na naging pinakamahalagang pangyayari sa panahong ito.

Ayon sa mga iskolar, ang panahong paleolitiko ay nagsimula sa dalawa at kalahating milyong nakakaraan na ang nakalipas. Sa panahong ito, mas nagiging ganap ang pagbabago ng mukha ng mga tao mula sa pagiging malaking unggoy o “ape”. Pagkatapos, bumago ang ito hanggang maging mga Homo Sapiens.

Bukod dito, ang mga taong nabuhay sa paleolitikong panahon ay tinawag na mga nomadiko. Sila ang mga taong walang permanenteng tirahan. Palipat lipat sila at karanwiang kahoy ang kanilang mga kagamitan at madaling masari.

Ang pangunahing hanap-buhay ng mga tao sa panahong iyon ay pangangaso sa kagubatan at pangongolekta ng halaman.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pang-Abay Na Panluan Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment