Tekstong Naratibo Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Ano Ang Kahulugan At Halimbawa Ng Tekstong Naratibo?

TEKSTONG NARATIBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tekstong naratibo at ang mga halimbawa nito.

Ang isang tekstong naratibo ay tekstong may pagkasunod-sunod ng mga impormasyon sa isang maayos na paraan. Ito ay maaaring maging tungkol sa isang bagay, tao, haop, pangyayari, o kwento na pwede maging tototoo o hindi.

Tekstong Naratibo Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Ito’y ginagamit upang bigyan ng leksyon ang mga mambabasa sapagkat ang isang “moral lesson” o “araling moral” ang makikita sa huling bahagi ng isang naratibo. Ang mga halimbawa nito ay palaging nakikita sa mailing kwento, alamat, nobela at iba pa. Heto ang mga halimbawa:

Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas

Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz.

Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.

Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito. “Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?” tanong ng ina sa bata.

Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.

“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang tumatakbo siya palabas.

Basahin ang buong kwento: Maikling Kwento: Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

Leave a Comment