Ano Ba Ang Kahulugan Ng Ponemang Suprasegmental At Mga Halimbawa Nito
PONEMANG SUPRASEGMENTAL – Sa paksang ito , ating tatalakayin kung ano nga ba ang ponemang suprasegmental at ang mga halimbawa nito.
Ang mga ponema ay isang instrumento ng sulat na nagtataglay ng likas na katangiang prosodic o suprasegmental. Ito’y inilalarawan bilang suprasegmental dahil sa haba o diin nito at ang kanyang hinto o antala.
Bukod rito, ang ponemang suprasegmental ay naglalarwan rin sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,sinisimbolo ito ng notasyong phonemic upang malaman kung ano ang pagbigkas.
Maliban sa tono, mahalaga rin ang haba at diin. Ang haba ng bigkas na ginagamit ng nagsasalitig sa patinig ng pantig na salita, Samantala, ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Ang antala naman ang saglit na pantigil o “pause” sa Ingles. Ito’y nagbibigay linaw sa mga salita o mensahe ibig ipahiwatig .Sa pasulat na pakikipagtalastasan ito ay inihuhudyatng kama, tuldok, swmi-kolon, at kolon.
Ponemang Suprasegmenta ng Diin.
- PAso – paSO
- tuBO – TUbo
- BUhay – buHAY
- HApon – haPON
- taSA – TAsa
Ponemang Suprasegmenta ng Antala
- Hindi siya si Peter.
- Ang tao ay hindi si Peter.
- Hindi, siya si Peter.
- Tinatama ng tagasalita na ito si Peter.
- Hindi siya, si Peter.
- Si peter ang tinutukoy, hindi ang isang tao.
Ponemang Suprasegmental ng Tono
- Nagpapahayag: Maligaya siya.
- Nagtatanong: Maligaya siya?
- Nagbubunyi: Maligaya siya!
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Hilagang Asya Kinaroroonan At Mga Bansang Sakop Nito