Ano Ang Pangunahing Layunin Ng Edukasyon? (Sagot)
PANGUNAHING LAYUNIN NG EDUKASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang layunin ng edukasyon.
Alam naman nating lahat na ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat maranasan ng isang tao. Dahil sa edukasyon, nabibigyan ng sapat na oportunidad ang mga tao na umangat sa kanilang buhay.
Kaya naman, ating masasabi na ang pangunahing layunin nito ay ang mabigyan ng oportunidad ang mga tao. Mayaman kaman o mahirap, kapag ikaw ay edukado, walang makaka kuha sa inyo ng iyong kaalaman. Dahil dito, maaari kang makakuha ng magandang trabaho para ma tulungan ang iyong sarili at iyong pamilya.
Ngunit, ating dapat na intindihin na ang sapat at magandang edukasyon ay hindi kasiguraduhan sa pag-ahon sa kahirapan. Ang masakit na katotohanan ay maraming mga talentado at matalinong tao ang hindi na bibigyan ng parehong oportunidad dahil din sa kahirapan.
Kaya naman, dapat nagtutulungan ang gobyerno at mga sektor ng edukasyon upang ito’y mabigyan ng solusyon. Maaaring hindi ito nakakapayaman sa atin sa usaping pinansiyal ngunit ang edukasyon ay nakakapayaman sa ating kaalaman. Ang kaalamang ito ay ating magagamit at ating maibabahagi sa susunod pa nating henerasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Pagkakaiba Ng Balbal At Kolokyal – Halimbawa At Kahulugan