Ano Ang Halimbawa Ng Katangian Ng Mitolohiya? (Sagot)
KATANGIAN NG MITOLOHIYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang katangian ng mga mitolohiya at ang mga halimbawa nito.
Ang mga mitolohiya ang parte ng mga karunungang-bayan. Ito ay mga kwentong naipasa sa satin ng mga sinaunang Pilipino. Kaya naman, dapat ito bigyang halaga at ingatan. Pero ano nga ba ang mga katangian ng mga kwentong ito?
Dahil wala pang siyensiya sa sinaunang panahon, ginamit ng mga ninuno natin ang mga mitolohiya upang bigyang kahulugan ang mga pangyayari sa kanilang buhay, mga dahilan ng mga kapangyarihang kalikasan, at kung paano nagawa ang mga bagay-bagay.
Kadalasan, ang mga karakter sa mga mito ay mga diyos, diyosa, o kanilang mga anak. Kahit na taliwas sa totoong buhay ang mga laman ng kwento, ito pa rin ay naka-angat sa mga totoong pangyayari sa kalikasan.
Halimbawa, ang mga natural na kalamidad ay sinasabing galit ng mga diyos sa mga tao, ngunit, ito ay natural lamang na pangyayaring nagaganap sa kalikasan. Ang mga halimbawa nito ay bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan at iba pa.
Ang mga mito rin ay balot ng hiwaga. Mahalaga rin sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi. Ito rin ay nagbibigay tuon sa wika. Ang mga bayani ng mito ay naglalahad ng kwento gamit ang sopistikadong wika.
At higit sa lahat, ito ay karaniwang nakabatay sa metapora. Nagpapakita ito ng paralelismo sa tunay na buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Gawain Sa Komunidad Halimbawa At Iba Pang Kaalaman