Bakit May Barayti Ng Wika – Paliwanag At Kahulugan

Bakit May Barayti Ng Wika? (Sagot)

BARAYTI NG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nagkaroon ng barayti ng wika at iba pang kaalaman tungkol dito.

Alam naman nating lahat na ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago. Dahil dito, watak-watak ang mga isla at ang mga tao sa isa’t-isa. Nagdulot ito ng pagkakaiba ng kultura at tradisyon ng mga sinaunang tao na naninirahan sa mga isla.

Bakit May Barayti Ng Wika – Paliwanag At Kahulugan

Kaya naman, maaari nating sabihin na ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng barayti ng wika ay ang heograpiya ng isang bansa tulad ng Pilipinas. Isa rin sa mga dahilan nito ang edukasyon, okupasyon, uri ng panlipunan, estado sa lipunan, edad, kasarian, o kaligirang etniko.

May iba’t-ibang katangian ang barayti ng wika katulad ng:

Dayalek – ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.

Sosyolek – ito ang halimbawa ng barayti ng wika na nabubuo ng dimensyong sosyal. Nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Dito rin nakapaloob ang tinatawag na jargon o mga salitang maiintindihan lamang kapag mayroong tamang konteksto.

Pidgin – Nangyayari ito kapag nagkaroon ang dalawang taal na tagapagsalita ng wikang magkakaiba. Wala silang komong wika at nagtatangkang magkaroon ng komunikasyong makeshift.

Creole – sang  wika na unang  naging pidgin at kalaunan ay  naging likas na  wika (nativized).

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Kaugnayan Ng Konsensya Sa Likas Na Batas Na Moral

Leave a Comment