Bakit Mahalaga Ang Unang Wika? (Sagot)
UNANG WIKA – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba mahalaga ang tinatawag na unang wika.
Ang unang wika ang pangunahing wika na ating natutunan. Kung ikaw ay hindi taga Maynila o mga central na bahagi ng Luzon, sigurado ay ikaw ay may ibang wikang ginagamit maliban sa Tagalog.
Ang tinatawag nating unang wika, o “mother tongue” sa Ingles ay ang wika o dayalekto ng kinabibilangan mong lugar o kultura. Para sa karamihan ng mga tao sa Visayas, ito ay ang Cebuano. Samantala, sa mga Iloilo at Negros Occidental naman, ang unang wika ng mga tao ay Hiligaynon.
Alam naman nating lahat na dahil sa pagka watak-watak ng Pilipinas, iba’t-iba ang mga kultura at tradisyon ng mga islang sakop nito. Dahil dito, ating dapat na gamitin ang unang wika natin para bigyan ito ng halaga.
Ito ay parte ng kultura at kasarinlan natin. Bukod rito, parte rin ito ng malawak na sakop ng wikang Filipino kaya dapat natin itong ipagmalaki.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kabuhayan Ng Sinaunang Pilipino – Halimbawa At Iba Pa!