Ano Ang Mga Halimbawa Ng Konkreto At Di Konkreto Pangungusap? (Sagot)
KONKRETO AT DI KONKRETO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng konreto at di konkretong pangungusap.
Ang mga pangungusap na ito ay gumagamit ng konkretong mga pangalan o tahas. Ito ay pangalang gumagamit ng pandama upang siya ay bigyang pansin. Posible itong mahahawakan, maamoy, makikita, mabibilang, malalasahan, o mararamdaman. Mga halimbawa:
- Masarap kumain ng itlog na asin lalo’t kung ika’y kakatapos mag workout.
- May anim na isda na lumalangoy sa sapa.
- Mainit ang singaw ng kalan dahil sa apoy.
- Isinuot ni kuya ang kanyang mamahaling sapatos.
- Tumahol ang aso ng kapitbahay namin sa loob ng bakuran nila.
- Masyadong malamig ang tubig sa container
Samantala, ang di konkreto na pangalan naman ay tinatawag na basal. Ito ay mga ideya, kaisipan, o mga damdamin na ating mararamadaman. Mga halimbawa: Pag-ibig, “katapangan, kaginhawaan, dedikasyon, kinabukasan, enerhiya, katapatan, buhay, tiwala.
- Halata sa mukha ng lalaki ang katapangan ng hindi ito umiyak nang siya’y sinuntok.
- Napakasipag ng ina ni Peter dahil araw-araw dalawang trabaho ang kanyang pinapasukon upang maitaguyod ang anak niya.
- Napakalakas bumuhat ng lalaki dahil kinaya niya ang isang sako ng bigas .
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Talambuhay – Kahulugan At Paliwanag