Ano Ang Pinagkaiba Ng Tagalog Sa Filipino? (Sagot)
PINAGKAIBA NG TAGALOG AT FILIPINO – Sa paksang ito, ating tatalakayun kung ano nga ba ang pagkakaiba ng wikang Tagalog sa wikang Filipino.
Marahil ang nasa isip niyo ngayon ay ang Filipino ay isang salita para sa Tagalog. Pero, ito’y isang maling pag-unawa ng wikang Filipino.
Ang ating pambansang wika na Filipino ay hindi lamang Tagalog. Ito’y sumasakop sa lahat ng wikang sa ano mang parte ng ating bansa. Pero, ang Tagalog ay ang wikang ginagamit sa maraming parte ng Luzon, ang pinakamalaking rehiyon sa Pilipinas.
Kaya naman, gingagamit ang Filipino bilang wika sa pang-araw-araw na talastasan. Dumaan sa masusing pag-aaral ang Surian ng Wikang Filipino na naglalayong humanap ng wika na mas pabor para sa nakararami. At dahil sa pag-aaral na ito, nalaman na mas dominante ang Tagalog.
Nakapaloob rin sa wikang Filipino ang mga banyagang salita na ating nakuha sa mga mananakop natin. Samantala, ang Tagalog ay lokal na wika na ginamit ng mga katutubo sa Luzon.
Bukod rito, ang Filipino ay siya ring tawag sa mga naninirahan sa bansang Pilipinas. Ginawang wikang pambansa ang Filipino upang mas madali ang pakikipag ugnayan sa mga mamamayang sakop ng Pilipinas.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Paano Masasabing Pantay-pantay Ang Wika Sa Pilipinas?