Paano Masasabing Pantay-Pantay Ang Wika Sa Bansa? (Sagot)
PAANO MASASABING PANTAY-PANTAY ANG WIKA? – Sa Pilipinas, marami tayong wikang makikita dahil sa likas na heograpikal na anyo ng ating bansa.
Dahil watak-watak ang ating mga kapuluan, walang sentrong wika ang nabuo nuong unang panahon. Heto rin ang dahilan kung bakit nahirapan ang mga banyaga na tuluyang ibahin ang ating mga kultura, tradisyon, ang wika.
Pero, kahit na marami ang wika sa Pilipinas, lahat sila ay pantay-pantay pa rin. Alam naman nating lahat na Filipino ang opisyal na wika sa bansa. Subalit, hindi lamang ito nangangahulugan ng Tagalog.
Ang Filipino ay ang pinagsama-samang wika mula sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas, lahat ng rehiyon, pulo, at kultura na may pagsasaalang-alang din sa mga dayong wika.
Lahat ng Wika na ating makikita sa Pilipinas ay parte ng ating kultura at kasaysayan kaya dapat lamang itong bigyang halaga. Ito ay dahil ang ating wika ang isa sa pinakamahalagang simbolo ng pagkakakilanlan.
Bukod rito, isa rin itong simbolo ng kalayaan na atin naipanalo laban sa mga sumakop sa ating bansa. Hindi lamang isang lugar sa Pilipinas ang malaya, kundi lahat ng sakop nito. Kaya naman, lahat ng wika ang pantay-pantay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Ang Guryon Tula Aral Na Makukuha At Iba Pang Kaalaman!
madaling matutunan ng bawat pilipino ang mga ibat ibang lengguahe saan mang dako ng pilipinas khit nga dayuhan eh madali rin clang matutu mg salita ng pililpino