Paano Natin Maiiwasan Ang Malaking Agwat Ng Pamumuhay?
AGWAT NG MAYAMAN AT MAHIRAP – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang tanong na “Paano magkakatulungan at maiiwasan ang malaking agwat ng pamumuhay ng mayayaman at mahihirap sa lipunan?
Ating makikita na masyadong malaki ngayon ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap. Ang isa sa mga rason nito ay ang tinatawag na “inflation”. Ito ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin at mga “raw materials”.
Subalit, kahit na tumaas ang mga presyo ng bilihin, ang nakukuhang kita ng mga tao ay hindi tumataas. Dahil dito, ang mga mayayaman na may maraming investments at iba pang negosyo ay mas lalong yumayaman, samantala ang mga mahihirap ay patuloy na humihirap.
Isang halimbawa ng dapat nating gawin para maiiwasan ang paglaki ng agwat ng mahirap at mayaman bilang miyembro ng lipunan ay ang pagtalakay sa tinatawag na “inequality”.
Kapag mayroon ng talakayan nito, mas madaling pagharapin ng mga tao sa gobyerno ang pagbigay ng parehong oportunidad sa lahat ng tao sa edukasyon, trabaho, at mga karapatan.
Kailangan magkaroon ng tinatawag na “authentic development”. Ito ay ang pagunlad na hindi lamang ang mga mayayaman ang nakaka benipisyo kundi lahat. Bukod rito, ito rin ay ang pagunlad hindi lamang sa larangan ng pera kundi sa pagbigay ng sabat na suporta at oportunidad para sa lahat.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Elemento Ng Abstrak Halimbawa At Kahulugan Nito