Halimbawa Ng Kasabihan Tungkol Sa Pandemya At COVID-19
KASABIHAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng kasabihan tungkol sa pandemyang COVID-19.
Dahil sa COVID-19, maraming buhay ang nasira at nawala, at ilang milyon na ang nawalan ng trabaho. Naging malayo na tayo sa ating mga mahal sa buhay at nagbago na ang pamumuhay ng lahat ng tao.
Ngunit, sa harap ng pandemya, marami pa rin ang nagiging pasaway at hindi sumusunod sa mga batas na ginawa para labanan ito. Kaya naman malaki ang tulong ng mga kasabihan upang maalala ng mga tao ang mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19.
Heto ang mga halimbawa:
Huwag umalis, kung panlasa’y ayaw ma panis – Isa sa mga simptomas ng COVID-19 ay ang pagkakawala ng panlasa. Kaya naman, dapat tayong mag-ingat at umalis lamang sa bahay kung kailangan.
Maghugas ng kamay at iwasan ang MEN, laging tandaan at ulit-ulitin – Ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon ay mas mabisa laban sa COVID-19 kesa alcohol. Bukod rito, kailangan rin nating iwasan ang Eyes, Ears, and Nose (MEN). Ito ang mga paraan kung paano makakapasok ang sakit sa ating katawan.
Sumunod sa batas, para COVID-19 ay maiwas – Ang pag sunod sa mga batas laban sa coronavirus ay mahalaga para sa ating kaligtasan. Dahil dito, dapat itong sundin at dapat tayong maging ihemplo para sa ibang tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Sawikain Para Sa Edukasyon Halimbawa At Iba Pa