Ano Ang Pagkakatulad Ng Dayalek At Idyolek? (Sagot)
PAGKAKATULAD NG DAYALEK AT IDYOLEK – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang pagkaparehas ng dayalek at idyolek.
Una sa lahat, kailangan muna nating alamin kung ano ang kahulugan ng diyalek at idyolek.
Ang Idyolek ay nakakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao na gumagawa ng isang parehong wika. Sa Ingles, ating matatawag na speech habit ang idyolek. Ito ay kanyang indibidwal na paraan ng pagsalita na minsa’y ginagamitan rin ng sariling mga wika.
Samantala, ang Dayalekto naman ay nakabatay sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang grupo, pangkat, o indibidwal. Ang mga halimbawa nito ay Tagalog, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, at Tagalog-Laguna. Magkapareho man ang basehan ng ilang mga salita ngunit may malaking pagkakaiba ito.
Ang pagkakatulad ng dalawang ito ay ang pagiging dynamiko nito. Magkaiba man sila ng pinanggalingan, pero pareho lang na umuunlad at nagbabago ang mga idyolek at dayalek.
Ito’y dahil sa maraming mga rason katulad ng pagbabago ng panahon, teknolohiya, sosyal medya, pagbabago ng kultura, at iba pa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Suriin At Kilalanin Ang Sumusunod Na Karunungang Bayan (Sagot)