Mga Tula Tungkol Sa Mamamayan
TULA TUNGKOL SA MAMAMAYAN – Ang mga mamamayan ang pinakamahalagang parte ng isang bansa. Kung wala ang mga mamamayan, wala tayong matatawag na sibilisasyon, komunidad, at lipunan.
Dahil dito, dapat nating bigyang halaga ang ating mga karapatan at mga responsibilidad bilang mga mamamayan. Isa sa mga maaari nating gawin ay ang paggawa ng mga tula tungkol dito upang ma ipahiwatig ang ating mga ideya at nararamdaman tungkol sa paksa.
Heto ang mga halimbawa ng tula tungkol sa mamamayan:
Mamamayang Pilipino (Tulang Akrostiko)
Marami ang natutuwa,
Ang iba nama’y naluluha.
Mayroon namang naiinis pa,
At nagbibitaw ng maaanghang na salita.
Masisisi mo ba sila?
Amoy na amoy ang bulok na sistema.
Yaman ng bayan, saan napunta?
Aling daan ba ang susundin nila?
Nasaan ang pangakong maka-masa?
Gagalawin pa ang pera ng iba.
Pangulong hindi makasarili,
Ilaw ng bansang hindi mapupundi,
Layuning hindi naisasantabi,
Iniintindi bawat hinaing ng nakararami.
Presidenteng may katuturan ang sinasabi,
Ipinagtatanggol ang mga naapi,
Nagsusumikap na bansa’y maging mabuti,
Obligasyon sa mamamayan ang laging pinipili.
Aktibong mamamayan | Tulang Makata
Aktibong mamamayan
Yan ang isa sa aking pinapangarap
Upang ang ating bayan
Ay mapaunlad ng sabayan.
Tumingin sa sa kapaligiran
At gisingin ang ang nag bulag bulagan
Upang ating mamamayan
Ay mas maging masagana.
Aktibong mamamayan
Na ating sinilangan
Sandali aktibo ba talaga ang ating mamayan?
Iwan ko nga ba tanungin nalang natin si Superman.
Aktibong mamamayan na aking ninais mula pa pag kabata dahil ito’y nakaka halaga para sa ating lahat,
Sana ako’y marinig ng ating gibyerno,
Upang bayan ay maging aktibo.
Mamamayan, mamamayan
Tayo’y gumising na
At ating ipag malaki kung ano ang meron tayo.
Aktibong mamamayan sana’y iyong mapansin
Tula ko’y para lamang sa yo .
Ang Mamamayan.
Siya’y matapat na mamamayan
isang masunuring mamamayan
lahat ng batas sinusunod niya
lahat ay tinangdandaan niya
Ang mabuting mamamayan
hindi lalabag sa batas
paano ang hindi mabuting mamamayan?
na gumagawa ng kasalanan sa lipunan
Ito’y hulihin o turuan
ng mabuting asal ng mamamayan
kasalanan ay laging nariyan
kung mabuti kang mamamayan
hindi ka mamahawa ng kasalanan
Kung hindi ka mabuting mamamayan
ika’y makarma sa iyong ginawa
nagyon pa lamang, magbago ka na
at maging mabuting mamamayan
magkaroon ng pagkakaisa
para umunlad ang ‘ting bayan
at ang iyong kinabukasan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Mabigat Ang Dugo Kahulugan, Paliwanag At Iba Pang Kaalaman