Ano Ang Kabutihan Na Dulot Ng Demokrasya At Mga Halimbawa Nito
KABUTIHAN NG DEMOKRASYA – Maraming mga halimbawa kung bakit mabuti ang demokrasya, at sa paksang ito, aalamin natin kung ano sila.
Hindi dapat na maging mayaman ang isang bansa kung ang naaapektuhan naman ng lubusan ang mga mamamayan. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang demokrasiya.
Marami itong kabutihang dala katulad lamang ng pagsiguro na mayroong mabisang gobyerno na tumatakbo. Ito ay dahil ang mga tao mismo ang bumubota sa mga gusto nilang mamahala.
Kaya naman, kung may maling nakikita sa ginagawa ng mga nasa pwesto, sa pamamagitan ng demokrasiya, maari silang managot dahil sa kanilang mga ginagawang mali. Isa rin sa mga kabutihan ng demokrasiya ay ang pag kuha ng iba’t-ibang ideya mula sa iba’t-ibang pangkat.
Dahil dito, hindi lamang isang grupo ang makabenipisyo sa mga gawain ng gobyerno kundi lahat ng mga mamamayan. Dahil sa iba’t-ibang mga ideya na ito, ang kalidad ng paggawa ng desisyon ay napapabuti rin.
Sa isang komunidad, maaari ring magkaroon ng pagkakaiba ng pananaw sa relihiyon, katayuan sa buhay, at iba pang bagay. Ngunit, dahil sa demokrasiya, mabibigyan ng isang mapayapang solusyon ang mga problema.
Sa loob ng isang demokrasiya, maaari ring magkamali ang mga nasa pwesto. Kaya naman, isa sa mga kabutihan nito ay ang pagkaroon ng publikong talakayan tungkol sa mga isyung lipunan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Paano Isasabuhay Ang Karunungang Bayan? (SAGOT)