Pagkakaiba Ng Alamat At Pabula – Halimbawa At Paliwanag

Ano Ang Mga Pagkakaiba Ng Alamat At Pabula?

KARUNUNGANG BAYAN – Ang mga pabula at alamat ay dalawang halimbawa ng karunungang bayan, ngunit ano kaya ang mga pagkakaiba nito?

Ang dalawang ito ay halimbawa ng mga kwentong naipasa mula pa sa ating mga ninuno, lalo na ang mga alamat. Dito inilalarawan kung paano o ano ang pinag-mulan ng isang lugar, bagay, pangalan, o pangyayari.

Pagkakaiba Ng Alamat At Pabula – Halimbawa At Paliwanag

Samantala, ang pabula naman ay mga kwento na kung saan mga hayop ang pangunahing tauhan. Pero, kahit na ang pabula ay kadalasang ginagawa para sa mga kabataan, ito ay sumasalamin sa mga katotohanang pangyayari at mga problema sa ating lipunan.

Pero, ang mga alamat naman ay kadalasang hindi sumasalamin sa tunay na mga pangyayari sa ating lipunan. Ito’y dahil ay layunin nito ay mabigyang kahulugan ang mga bagay-bagay sa ating lipunan at mag bigay ng aral.

Ang mga Alamat, katulad ng alamat ng Bayabas, Lansones, at ipa ba, ay nagtataglay ng mga aral sa kung ano ang hindi dapat gawin. Ito ay dahil binibigyan ng parusa ang mga taong masama at ginagawang mga prutas.

Sa panahon ng ating mga ninuno, wala pang siyensiya na makapagbigay dahilan sa kung bakit nangyayari ang mga makabuluhang bagay sa kanilang buhay. Dahil dito, maraming alamat at iba pang kwento ang ginawa upang ito’y mabigyang kahulugan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Relihiyon – Halimbawa At Paliwanag

Leave a Comment