Bakit Mahalaga Ang Relihiyon – Halimbawa At Paliwanag

Sagot Sa Tanong Na Bakit Mahalaga Ang Relihiyon?

BAKIT MAHALAGA ANG RELIHIYON? – Ang Pilipinas ay nagbibigay ng malaking halaga sa Relihiyon. Ito’y dahil sa impluwensiyang nakuha galing sa pananakop ng mga banyagang Kastila ng mahigit sa 300 na taon.

Ngunit, bago pa man tayo sinakop ng mga Kastila may sariling relihiyon o paniniwala na ang ating mga ninuno. Halos lahat naman ng kultura at bansa ay may kani-kanilang relihiyon na pinaniniwalaan.

Bakit Mahalaga Ang Relihiyon – Halimbawa At Paliwanag

Ito ay binibigyang halaga dahil ito ang nagpapatay ng ating espirituwal na buhay at paniniwala sa panginoon. Sa pamamagitan ng relihiyon tayo ay na bibigyan ng gabay, lalo na sa mga pagkakataong hindi natin alam kung ano ang gagawin.

Marami ring aral ang ating makukuha sa relihiyon katulad ng mga magagandang asal at ang pagtrato ng mabuti sa kapwa. Ngunit, ang relihiyon ay isa lamang sa mga instrumento upang tayo ay mapalapit sa Diyos.

Ang mahalaga ay ang personal na relasyon mo sa Panginoon at ang pag trato mo sa kapwa mong tao. Bukod rito, ang ating buhay ay puno ng paghihirap at mga pagsubok. Kapag tayo ay may pananalig sa Diyos, madaling ipagaan ang mga mabibigat nating problema.

Marami ring relihiyon ang ating makikita sa buong mundo at dapat lamang itong i respeto at bigyang halaga. Heto ang mga halimbawa:

  • Kristiyanismo
  • Islam
  • Budhismo
  • Juadismo
  • Hinduismo

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Pagkakatulad Ng Mitolohiya At Parabula – Halimbawa At Iba Pa

Leave a Comment