Ano Ang Mga Pagkakatulad Ng Mitolohiya At Parabula? (Sagot)
MITOLOHIYA AT PARABULA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakatulad ng mitolohiya at parabula.
Ang mitolohiya at parabula ay mga halimbawa ng karunungang bayan. Ito ay mga kwentong naipasa sa atin ng ating mga ninuno. Ito ay isa lamang sa mga pagkakatulad ng dalawang uri ng kwentong ito.
Sila rin ay mahahalagang parte ng ating tradisyon at kultura. Bukod rito, may mga aral rin sila na maaari nating gamitin sa ating buhay.
Kung atin namang titignan ang laman ng mga kwentong ito, makikita rin natin na ang mga mito at parabula ay parehong gumagamit ng mga hayop. Sa mga mito, maraming mga halimaw, hayop, o combinasyon ng hayop at tao ang ating makikita.
Hindi man ito mga sentro ng kwento, ngunit sila ay mahalaga dahil pinapakita nito ang mga pananaw at paniniwala ng mga sinaunang tao. Isa sa mga halimbawa ng mitong ito ay ang Balaam na kung saan may isang asno na nagsasalita.
Kahit na hindi ganun ka rami ang pagkakatulad ng mitolohiya at parabula, dapat pa rin itong bigyang halaga. Ito’y dahil parte sila ng ating pakasarinlan, kultura, at tradisyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Pagkakatulad Ng Isyung Personal At Isyung Panlipunan