Ano Ang Mga Kahinaan At Kalakasan Ni Persiyus? (SAGOT)
PERSIYUS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga kalakasan at kahinaan ni Persiyus ng mitong Griyego.
Si Persiyus ay tinatawag na “demi-diyos” o sa Ingles ay “demi-god”. Ang mga nilalang na ito ay may kalahating diyos at tao. Bukod rito, si Persiyus rin ang isa sa pinaka-unang mga bayani sa mga mitong Griyego.
Ang isa sa mga kalakasan nito ay ang kanyang katapangan. Kahit ang kalaban niya ay mga nakakatakot na halimaw, hindi ito nagpakita ng takot. Kaya naman, marami sa mga halimaw ng mga mitong Griyego. Isa sa mga kilalang halimaw na pinatay nito ay ang “Gorgon” na si Medusa.

Sa laban nito kay Medusa, ipinakita rin ni Persiyus ang kanyang katalinuhan. Ginamit niya ang salamin ng kanyang kalasag upang matanaw ni medusa ang kanyang sarili at maging bato.
Naligtas rin nito si Andromeda mula sa “Kraken” na pinadala ni Poseidon bilang ganti laban kay Reyna Cassiopeia na nag sabi na ang kanyang anak ay mas maganda ba sa mga Nereid.
Ngunit, kahit na si Persiyus ay matapang, matalino, at hindi takot sa ano mang mga halimaw. Siya rin ay mapanghimok at magaling lumaban. Binibigyan rin si Persiyus ng mga armas na galing mismo sa mga diyos para tumulong sa kanya.
Dahil sa kanyang labis na katapangan, minsan ay sumusulong si Persiyus sa mga laban na kung saan siya’y maaaring matalo. Bukod rito, dahil siya ay tao lamang, madali itong mamatay kapag labis na nasugatan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Ekonomiks – Bakit Mahalaga Ang Ekonomiks?