Ano Ang Nilalaman Ng Parabula? (Sagot)
NILALAMAN NG PARABULA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang laman ng parabula, katangian nito, at mga halimbawa.
Sa ating huling paksa, nalaman natin kung ano ang parabula at ang mga halimbawa nito. Ating nalaman na ang parabula o talinghaga ay mga maikling kuwento na galing sa bibliya na kung saan ang mga importanteng aral ay makukuha. Ngunit, ano ang mga nilalaman ito?
BASAHIN: Ano Ang Parabula? – Maikling Kuwentong May Aral Galing Sa Bibliya
Kadalasan, ang mga nilalaman ng mga kuwentong ito ay mga mensahe o mga kwentong kinapupulutan ng mga aral na galing sa Sagradong Bibliya. Napapaloob sa mga parabula ang mga tunay na istorya ng mga tao at ang mga aral na makukuha natin rito.
Hindi ito dapat ilito sa pabula na hayop ang pangunahing tauhan. Dito, tao talaga ang pangunahing tauhan at naka salaysay dito ang mga pangyayari sa kanilang buhay. Bukod rito, ang nilalaman ng isang parabula ay maaaring nasa anyong patula o prosa. Kadalasan, isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Sa isang parabula, atin ring makikita ang mga aral na hindi lamang para sa ating pisikal na kaayusan kundi sa atin ring ispiritwal na aspeto. Ito ay dahil sa mga kagandahang asal na maaari nating gamitin na gabay sa ating desisyon sa buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: PARABULA – 3 Pang Mga Halimbawa Ng Talinhaga