Ano Ang Mga Aral Sa Kwentong Ang Ama? (Sagot)
ANG AMA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga aral sa kwentong “Ang Ama” at ang paliwanag nito.
Sa kwentong “Ang Ama”, sinusundan natin ang isang pamilyang labis na naapektuhan ng kanilang ama na na lulong sa bisyo. Kung babasahin natin ang kwento, ating nalaman na takot lahat ng anak ng Ama, labi na kung ito’y uuwi ng lasing.
Pinapakita ng kwento ang masasamang epekto ng bisyo hindi lamang sa sarili kundi sa buong pamilya. Dati, umuuwi ang ama na masayahin at minsan ay may dala pang pagkain para sa lahat. Ngunit, ng ito ay nag simulang uminom, dito na siya naging maabuso sa kanyang pamilya.
Ngunit, ang isa sa pinaka mahalagang aral ng kwento ay ang “pagsisisi ay laging nasa huli”. Ang gusto lamang ng nakababatang anak ng Ama na si Mui Mui ay ang mapansin ng kanyang ama. Subalit, dahil sa kanyang bisyo, ito’y nag dulot ng pagkamatay ng kanyang anak.
Dahil dito, labis ang pagsisisi ng Ama sa sinapit ni Mui Mui. Pagkatapos ng insidenteng ito, ginawa ng ama ang lahat upang makabawi sa kanyang mga anak at pamilya. Ngunit, huli na ang lahat at wala na si Mui Mui.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tagpuan sa “Ang Ama” – Mga Tauhan At Tagpuan Ng Kwento
Ano ang kahulugan ng kwentong ang ama