Ano Ang Kahulugan Ng “Walang Matigas Na Tinapay Sa Mainit Na Kape”? (Sagot)
WALANG MATIGAS NA TINAPAY – Lahat tayo ay may kanya-kanyang mga kalakasan at kahinaan. Subalit, may mga pagkakataon na hindi natin alam ang mga ito.
Ito ang gustong ipahiwatig ng kasabihan. Kahit anong lakas mo, kahit gaano ka katapang, may mga pagkakataon na makikita mo ang iyong kahinaan. Ang matigas na tinapay ay simbolo ng tao o bagay na may angking kalakasan.
Ngunit, lahat tayo ay mayroong kahinaan kasi walang taong perpekto. Ang mainit na kape ay sumasalamin sa mga bagay sa ating buhay na posibleng makaka apekto sa atin ng lubusan, kahit gaano pa tayo ka tatag.
Bukod rito, ang mainit na kape ay simbolo rin ng mga pangyayari na hindi natin maaasahan. Siguro naman, hindi naasahan ng matigas na tinapay na ilalagay siya sa mainit na kape. Ang masaklap dito ay ang tinapay ay walang kontrol sa kung saan siya ilalagay.
Puwede rin natin itong isalamin sa ating buhay. Kahit gaano tayo katigas, minsan ang ating buhay ay sadyang hindi natin makakayang ikontrol kahit anong plano natin. Kaya naman binibigyan tayo ng mga mahihirap na mga pagsubok na kung saan mapipilitan tayong umalis sa ating “comfort zone”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Pamilya – Halimbawa At Kahulugan