Konsepto Ng Isang Bansa – Ano Ang Konsepto Ng Bansa? (Sagot)

Ano Ang Konsepto Ng Isang Bansa? (Sagot)

KONSEPTO NG BANSA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang konsepto ng isang bansa at bakit tinatawag na bansa ang Pilipinas.

Paano nga ba tinatawag na bansa ang isang lugar? May mga pamamantayan tayong kailangang makamit upang matatawag ang isang lugar bilang isang bansa. Malalaman rin natin kung bakit naging bansa ang Pilipinas.

Konsepto Ng Isang Bansa – Ano Ang Konsepto Ng Bansa? (Sagot)

Una sa lahat, ang isang bansa ay isang teritoryo na kung saan may naninirahang grupo ng tao na may parehong kultura at pinanggalingan. Dahil dito, makikita na iisa ang kanilang wika, lahi, tradisyon, at iba pa.

Para maging isang bansa ang isang teritoryo, kailangang niyang magkaroon ng apat na mahahalagang elemento ng pagkabansa:

  • Tao
    • Tumutukoy sa grupo ng taong naninirahan sa loob ng teritoryo na bumubuo sa populasyon ng isang bansa.
  • Teritoryo
    • Ito ay naglalarawan sa lupain at katubigan, at himpapawid, na sakop ng isang teritoryo. Tumitira rin dito ang mga tao at pinamumunuan ng pamahalaan.
  • Pamahalaan
    • Isang samahan at organisasyong politikal na naglalayong itaguyod ang kaayusan, mapaganda ang buhay ng tao, at mapanatili ang sibilisadong lipunan.
  • Kalayaan o soberanya
    • Ito ang naglalarawan sa kalayaan ng isang teritoryo na mamahala sa kanyang sinasakupan na walang halong pagbabantay o pagsakop ng ibang bansa.

Ang Pilipinas naman ay masasabing isang bansa dahil ang amat na elemento ng isang bansa ay makikita na sa Pilipinas. Sa ngayon, may mahigit 100 million na tao ang naninirahan sa bansa.

Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo kung saan matatagpuan ang mahigit 7,100 na mga isla. Bukod rito, may pamahalaan rin tayong tumutugon sa pangangailangan ng mga taong naninirahan sa mga islang ito. At higit sa lahat, nagkaroon na ng soberanya ang Pilipinas matapos itong ipinaglaban ng ating mga bayani.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Walang Matigas Na Tinapay Sa Mainit Na Kape Kahulugan

1 thought on “Konsepto Ng Isang Bansa – Ano Ang Konsepto Ng Bansa? (Sagot)”

  1. To whom it may concern,
    My name is Fr. Stephen Arabadjis.  I am a member of the Society of St. Pius X.  But I am in my 7th year of Sabbatical.Therefore I was hoping your group could do a 54 day rosary novena for my intentions.  But any prayers and sacrifices would be greatly appreciated.  I know Our Lady will reward you generously for this.
    In Our Lady,
    Fr. Arabadjis
    P.S. Thanking you in advance, since I don’t always get all my communications.

    Reply

Leave a Comment