Ano Ang Kahalagahan Ng Panitikan Sa Ating Buhay At Lipunan? (Sagot)
PANITIKAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahalagahan ng panitikan sa ating buhay at sa lipunan.
Ang pantikan ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dahil dito, maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin.
Bukod rito, kung pag-aaralan natin ang mga panitikan, mas magiging pamilyar tayo sa hindi lamang sa mga pagkakamali ng ating mga ninuno, kundi pati na rin sa mga tagumpay nila.
Dahil sa panitikan, ang mga tao ay nabibigyan ng tulay sa nakaraan na maaari ring isalamin sa kasalukuyang panahon. Kaya, mas maiintindihan natin ang ating kultura at tradisyon at mas mabibigyan ito nang halaga.
Kung ating titignan ang kasaysayan, isa sa mga instrumento ng rebulosyon ang panitikan. Makikita ito sa panahon ng ating mga bayani noong sinakop tayo ng mga Kastila. Dahil sa mga sulat ni Rizal at iba pang mga bayani, nabigyang inspirasyon ang mga Pinoy na lumaban para sa kanilang mga karapatan at kalayaan.
Higit sa lahat, ang panitikan ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay sumasalamin sa ating mga emosyon na kadalasan hindi nating maaaring ipalabas. Kaya naman, bilang miyembro ng lipunan, tayo ay napag-iisa ng panitikan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Pasalindilang Panitikan At Halimbawa Nito – Kahulugan At Halimbawa
Thank you po for sharing!