Saan Ba Ang Mga Tagpuan Sa Kwentong “Ang Ama”? (Sagot)
ANG AMA – Sa paksang ito, ating aalamin kung saan nga ba ang mga tagpuan at sino ang mga tauhan ng kwentong Ang Ama.
May tatlong pangunahing tagpuan sa kwentong ito: “Ang Bahay ng Mag-Anak, Sementeryo, at Bayan”. Samantala, ang mga tauhan naman sa kwento “Ang Ama” ay sina Mui Mui, ang Ama, ang Ina, ang magkakapatid, ang Amo ng Ama, at ang babae.
BASAHIN: Buod Ng Ang Ama – Buod Ng Kwentong Isinulat Ni Mauro R. Avena
Sa kwentong ito, walang mga pangalan ang mga tauhan maliban kay Mui Mui na napatay ng kanyang Ama.
Ang Bahay ng mag-anak madalas nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Dito rin naganap ang pananakit ng ama sa kanyang mga kabataan, lalo na sa bunsong anak niyang si Mui Mui. Dahil sa pananakit ng kanyang ama, dito rin ibinurol si Mui Mui.
Samantala, ang Sementeryo naman ay halos isang kilometro ang layo sa kanilang bahay. Dito inilibing si Mui Mui matapos siya namatay. Ang bayan naman ay kung saan namimili ang mga tao sa kanilang lugar. Dito rin namili ang ama para sa mga alay sa kanyang anak na namatay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kahulugan Ng Wikang Panturo – Ano Ang Wikang Panturo?
yyeyehx