Kahulugan Ng Wikang Panturo – Ano Ang Wikang Panturo?

Ano Ang Kahulugan Ng Wikang Panturo? (Sagot)

WIKANG PANTURO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng wikang panturo at iba pang impormasyon tungkol dito.

Ang kulturang Pilipino ay isa sa pinakamahalagang paksa na dapat pag-aralan ng mga kabataan. Dahil dito, masasabi natin na ang wikang ginagamit sa pagturo o ang wikang pagtututo ay napakahalaga.

Ang wikang panturo ay ang mga wikang ginagamit ng mga paaralan bilang midyum sa pagtuturo. Kadalasan, ito ay itinatalaga ng pamahalaan o nang mismong paaralan. Sa Pilipinas, ang opisyal na wikang panturo ay Tagalog at Ingles.

Kahulugan Ng Wikang Panturo – Ano Ang Wikang Panturo?

Subalit, sa bagong sistema ng pag-aaralan ngayon, tinuturo na rin ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTBMLE. Sa pamamagitan nito, naglalayong gamitin ng pamahalaan at ng DepEd ang unang wika ng mag-aaral sa pagtalakay ng lahat ng asignatura mula sa Grade 1 hanggang Grade 3, maliban sa Ingles at Filipino.

Ayon sa isang sagot galing sa Brainly, heto ang mga tinuturong mother tongue sa mga paaralan sa Pilipinas:

  • Ilocano
  • Pangasinense
  • Kapampangan
  • Tagalog
  • Bikol
  • Hiligaynon
  • Cebuano
  • Waray
  • Tsabakano
  • Tausog
  • Meranao
  • Maguindanaoan
  • Yvatan
  • Yvanag
  • Sambal
  • Akeanon
  • Kiniray-a
  • Yakan
  • Surigaonon

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Anak Sa Labas Kahulugan – Eupemismo At Kahulugan Nito

4 thoughts on “Kahulugan Ng Wikang Panturo – Ano Ang Wikang Panturo?”

Leave a Comment