Ano Ang Mga Halimbawa Ng Isyung Pangkalusugan? (Sagot)
HALIMBAWA NG ISYUNG PANGKALUSUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isyung pangkalusugan at ang mga halimbawa nito.
Ang mga isyung pangkalusugan ay parte ng mga isyung panlipunan. Ito ay tumatalakay sa mga importanteng isyu tungkol kalusugan na makikita ngayon sa ating lipunan. Heto ang mga halimbawa:
Pandemyang COVID-19 – Pagpasok ng bagong taon, isang malubhang sakit ang kumalat sa buong mundo na tinatawag na COVID-19. Ang sakit na ito ay kumakalat kapag ikaw ay masyadong malapit sa taong positibo dito.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay may mahigit sa 300,000 na kaso ng COVID-19. Dahil dito, pumasok ang bansa sa top 20 na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Malnutrisyon – Ang malnutrisyon ay isa sa pinakalaganap na isyung pangkalusugan. Taon-taon, ang ating bansa ay lumalaban upang ma agapan ang lebel ng malnutrisyon, labi na sa mga kabataan.
Subalit, ang malnutrisyon ay hindi matatapos sa simpleng feeding program lamang. Ito ay dapat magiging “sustainable” at dapat tutukan ng lokal na pamahalaan at mga tao sa lipunan. Bukod rito, dapat may sapat rin na edukasyon ang mga bata at magulang tungkol sa malnutrisyon.
Pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot – Ang pagka-adik sa mga illegal na gamot ay nagdudulot ng maraming masamang epekto sa katawan, kalusugan, at kaisipan ng mga tao.
Kailngan mabigyan ng sapat na suporta ang mga taong nalulong dito at bigyan ng tamang rehabilitasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Tao Sa Lipunan – Paliwanag At Halimbawa