Ano Ang Mga Katangian Ng Pagsulat? (Sagot)
KATANGIAN NG PAGSULAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga katangian ng pagsusulat at ang mga halimbawa nito.
Bilang isang sining, malaya ang mga tao na gumawa ng kahit anong gusto nila sa pagsulat. Ngunit, may mga mahahalagang gabay para pabutihin ang kasanayan ng tao sa pagsulat. Ang mga gabay na ito ay konektado sa mga mahahalagang katangian ng pagsusulat:
- Kaisahan ng Paksa
- Diin
- Orihinal
- Makatotohanan
- Napapanahon
Ang pagkakaisa ng paksa ay mahalaga sa pagsulat dahil dito malalaman kung ano nga ba gustong ipahiwatig ng may-akda. Ang “diin” ay mahalaga para malaman mo ang emosyon na ipinapahiwatig sa sulat.
Bukod rito, ang pagiging orihinal ay isa rin sa mahalagang katangian ng isang magandang sulat dahil ito’y nagpapakita ng pagkamalikhain ng isang tao. Isa rin sa mga katangian nito ay ang pagiging makatotohanan.
Kahit kathang-isip lamang ang sulat ng may-akda, ang emosyon, karanasan, at mga pangyayari sa sulat o kwento ay kailangang nakasalamin sa mga totoong bagay o pangyayari na ikaw mismo ay nakaranas na. Kapag nagawa ito, mas nagiging emosyonal at espesyal ang sulat.
At higit sa lahat, kung ang isang sulat ay napapanahon, ito ay nagpapakita ng galing ng isang manunulat. Ang mga napapanahon na mga sulatin ay tumatalakay sa mga mainit na isyung lipunan na dapat malaman ng lahat ng tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Sinaunang Panitikan – Kahulugan At Halimbawa