Ano Ang Kahalagahan Ng Tao Sa Lipunan? (Sagot)
KAHALAGAHAN NG TAO SA LIPUNAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang mga tao sa isang lipunan.
Sa pangalan palang na “Lipunan”, masasabi mo kaagad na mahalaga ang isang tao dahil ang depinisyon nito ay “Lipunan Ng Tao”. Ang isang lipon ay grupo ng tao na pinag-isa sa aspetong kultural at pulitikal.
Dahil dito, masasabi natin na kung wala ang tao, mawawala rin ang lipunan. Pwede ring mabalikdad ito na kung wala ang lipunan, mawawala rin ang mga tao.
Higit sa lahat, ang mga tao ang bumubuo at bumibigay ng pundasyon para sa kultura at tradisyon ng isang lipunan. Malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang pagkapreho ng pag-uugali, ideya, at saloobin, ay namumuhay sa isang tiyak na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.
Isang malaking halimbawa nito ang iba’t-ibang kultura sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Makikita natin na bawat lugar ay may kaibahan sa mga kultura. Ito ay dahil sa mga pag-uugali at ideya ng mga taong naninirahan dito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Katangian Ng Pagsulat – Kahulugan At Halimbawa Nito