Ano Ang Mga Halimbawa Ng Oyayi? (Sagot)
HALIMBAWA NG OYAYI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na oyayi at ang mga halimbawa nito.
Ang isang oyayi ay tinatawag rin na isang “hele”. Ito ay kadalasang inaawit ng mga ina para mabilis na matulog ang kanilang mga anak. Kadalasang maikli lamang ang mga oyayi at paulit-ulit. Ito rin ay naglalaman ng maraming salitang tugma.
Ginagawa ito dahil may angking kagustuhan ang mga tao sa mga salitang tugma. Ito’y nagiging pundasyon sa pag analisar ng mga “pattern”. Dahil dito, mas madali nating maiintindihan at maaalala ang mga salita at impormasyon.
Heto ang mga halimbawa:
Ili Ili,Tulog Anay – ito ay isang kantang galing sa mga Bisaya tungkol mismo sa pagpapatulog ng ina sa kanyang anak.
Ili Ili,Tulog Anay.
Wala Diri Imong anay.
Kadto tienda bakal papay.
Ili ili, tulog anay.
Sanggol kong anak na giliw
Sanggol kong anak na giliw
Matulog nang mahimbing
Marami akong gagawin
‘Wag mo akong abalahin.
Tahan na bunsong mahal
Tahan na bunsong mahal
Matulog na sa kandungan
Hihintayin ang tatay
Humanap ng kani’t ulam.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Ano Ang Pagbanghay? – Kahulugan At Halimbawa