Ano Ang Kaibahan Ng Paksa At Layon? (Sagot)
KAIBAHAN NG PAKSA AT LAYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pinagkaiba ng paksa at layon.
Alam naman nating lahat na ang isang paksa ay ang “subject” ng isang kwento. Ngunit, ang paksa naman ay iba sa tinatawag na tema. Isang halimbawa nito ay ang Jurassic Park kung saan ang paksa ay tungkol sa mga “dinausor” na binuhay ng mga scientist.

Samantala, ang tema naman ng sine ay ang epekto ng kasakiman ng tao at ang hindi pag respeto sa inang kalikasan. Pero, iba rin ang tinatawag na layon.
Ang layon ay ang intensiyon o hangad. Kung ating gagamitin muli ang halimbawa ng Jurassic Park, ang layon naman nito ay ipakita na hindi dapat ang mga tao ay hindi dapat maglaro na parang sila ang Diyos. Isa rin sa mga mahalagang layon ng sine ay ipaliwanag na ang inang kalikasan ay hindi maaaring ma kontrol ng mga tao.
Kaya naman, masasabi natin na magkaiba ang layon at paksa dahil pinapakita lamang ng paksa kung ano ang pokus ng kwento. Maari itong maging kwento ng bida, ang kanyang buhay, at ang kanyang paglalakbay. Samantala, ang layon naman ay nagpapakita ng intensyon ng akda sa pagsulat niya o paggawa ng kwento.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Epiko? – Paliwanag At Halimbawa