Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Tulong Ng Wika Sa Teknolohiya? (Sagot)

TULONG NG WIKA SA TEKNOLOHIYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano-ano ang mga naitutulong ng wika sa pag-unlad ng teknolohiya.

Ang wika ay ating pangunahing instrumento ng komunikasyon. Kaya naman dapat tayong mag tanong ” Ano ang ipinapasa natin kapag tayo ay may tinatawag na komunikasyon?”.

Tulong Ng Wika Sa Teknolohiya – Paliwanag At Halimbawa

Simple lamang ang sagot dito – impormasyon. Ito ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng teknolohiya. Kung walang pag-papasa ng impormasyon, hindi aangat ang teknolohiya.

Ang malayang pagpapahayag, pagkikipagtalastasan, pakiki-usap, at pag salin ng mga ideya ay siyang nagiging dahilan kung bakit umaangat ang teknolohiya. Ito ay dahil ang wika ay may taglay na malalim at malawak na kaalaman na posibleng matutuklasan sa paggamit ng teknolohiya.

Dahil dito, matatawag natin ang wika na isa sa pinakamahalagang sangkap sa pag-unlad ng ating bansa sa larangan ng agham, sining, panitikan, kultura, at lalo na sa teknolohiya.

Bukod rito, ang wika at komunikasyon ay siya ring dumudulot ng kompetisyon. Ang isang halimbawa nito ay si Nikola Tesla at Tomas Edison. Dahil sa kanilang mainit na pagpapalitan ng mga ideya, nagkaroon sila ng isang kompetisyon para ma lamangan ang isa’t isa.

Ang kalabasan ng kompetisyong ito ay ang mabilisang pag-angat ng teknolohiya na naging pundasyon sa tinatawag na “technological revolution”.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Epiko? – Paliwanag At Halimbawa

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Tulong Ng Wika Sa Teknolohiya – Paliwanag At Halimbawa". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.