Bakit Mahalaga Ang Pagsusulat? (Sagot)
BAKIT MAHALAGA ANG PAGSUSULAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusulat.
Ang pagsusulat ay maaring maging instrumento ng pagbabago sa buhay ng hindi lang isang tao, kundi ng isang bansa. Isa sa pinakamalaking halimbawa nito ay ang mga sulat ni Dr. Jose Rizal na naging inspirasyon ng mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan.
Bilang isang estudyante, ang pagsusulat ay isang bagay na hindi mo maaaring maiwasan. Subalit, ito rin ay posibleng maging gabay para sa magandang kabukasan. Isang halimbawa nito ay ang pag-apply sa scholarship.
Hindi lamang sapat na ikaw ay may mataas na marka, kailangan marunong ka ring magpahayag ng iyong mga damdamin at rason kung bakit ikaw ang karapat-dapat para maging iskolar. Ito rin ay totoo para sa anumang mga aplikasyon.
Bukod rito, ang pagsusulat ay hindi lamang isang uri ng panitikan, kundi isang uri rin ng sining at agham. Sa pagsusulat, tayo ay may kalayaang ipahayag ang ating mga damdamin sa ano mang paksa. Puwede tayong gumawa ng ating sariling mga mundo, tauhan, at mga aral na maaring pag-aralan ng ibang tao.
Higit sa lahat, ang pagsusulat ay parte ng ating kultura na nagbabago at nadaragdagan araw-araw. Kung ang tao man ay makakalimot, may mga sulat para paalalahanan ang mga tao sa mga pangyayari sa kasaysayan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Ano Ang Kahalagahan Ng Bionote At Bakit? – Paliwanag At Halimbawa
thanks