Ano Ang Kahalagahan Ng Bionote? (Sagot)
ANO ANG KAHALAGAHAN NG BIONOTE? – sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba mahalaga ang isang bionote at bakit kailangan natin itong pag-aralan.
Ang isang bionote ay isang maikling talata na kung saan nakalakay ang pinaikling talumbuhay ng isang tao. Kadalasan, ang mga bionote ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa buhay ng mga mahahalagang tao katulad ng mga bayani gaya ni Dr. Jose Rizal.
Bukod rito, ang mga bionote ay madalas ring makikita sa likod ng mga libro o sa may akda kung saan ipinakikilala ang awtor ng basahin. Pero, dapat nating intindihan na di magkatulad ang isang bionote at talambuhay.
Halimbawa, sa isang talambuhay, ang buhay ng isang tao ay kadalasang niroromantisa. Ngunit, sa isang bionote, nilalagay lamang ang direkta at totoong impormasyon tungkol sa taong ito.
Karaniwang nilalagay lamang sa bionote ang lugar ng kapanganakan, pinag-aralan, nakamit ng mga parangal, at mga naisulat na akda. Dahil dito, tayo ay may direktang impormasyon sa iba’t-ibang gawa ng may akda para mabilis natin itong mahanap at mapag-aralan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Paano Gumawa Ng Panukalang Proyekto – Halimbawa At Iba Pa