Solusyon Sa Ang Ama At Ang Paliwanag Nito
SOLUSYON SA ANG AMA – Ang kwentong “Ang Ama” ay nagsasalaysay sa buhay ng isang dating masayahing pamilya na biglang nagbago dahil sa bisyo.
Ang mga kabataan ay laging takot kapag bumabalik na ang kanilang Ama sa bahay. Kadalasan ay lasing ang kanilang ama at madaling ma inip. Isang araw, umuwi ang kanilang ama na nasisante sa kanyang trabaho.
At pag uwi nya, iyak ng iyak ang kanyang anak na si Mui Mui, kaya naman sinuntok nito ang kanyang anak ng malakas. Nahimasmasan naman ito ngunit pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay. Labis na kalungkutan ang nadama ng ama sa pagkawala nito.
Para sa buong buod ng Ang Ama basahin ang: Buod Ng Ang Ama – Buod Ng Kwentong Isinulat Ni Mauro R. Avena
Ang problema ay palaging nalalasing ang ama at nagdulot ito ng masamang karanasan para sa kanyang buong pamilya. Sana ay umalis na lamang ang kanilang ina kasama ang mga anak sa isang ligtas na lugar upang hindi na masaktan ang kanyang mga bata.
Pero, dapat maaga pa lamang ay tumigil na sana ang kanilang ama sa kanyang bisyo ng pag-inom ng alak. Kung hindi dahil sa alak ay hindi mangyayari ang trahedyang nasapi ng kanilang pamilya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tauhan Sa Prinsipe Bantugan – Mga Tauhan Sa Epiko