Bakit Mahalaga Ang Panitikan? (Sagot)
BAKIT MAHALAGA ANG PANITIKAN? – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba kahalagahan ng panitikan sa mga tao.
Sa pamamagitan ng panitikan, ating maipapakita at naipapakilala ang ating kultura. Sa paraan na iyon, mas madali nating maipapakita ang ating pagka-Pilipino.
Ang panitikan ay isang instrumento na kung saan sino mang tao ay makakapahayag ng kanyang emosyon, karanasan, at kaisipan. Dahil dito, ang panitikan ay nagiging mahalagang bahagi ng pag pasa ng ating kultura at tradisyon sa susunod na mga henerasyon.
Bukod rito, ang pantikian ay nagpapakita na hindi lamang isa ang batayan ng katalinuhan. Dahil sa panitikan, makikita ang angking talino at kakayahan ng mga tao na lumikha ng kamangha-manghang piyesa ng kanilang sarili.
Ang panitikan ay mahalaga rin para sa kaunlaran ng mga kabataan. Ayon sa isang artikulo galing sa A Place of Our Own, ang panitikan ay tumuturo sa mga bata kung paan pabutihin ang kanilang “motor skills” at “creativity”.
Samantala, ayon naman sa Tagalog Lang, ang Panitikan ay:
“Ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t iba niyang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa, na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Solusyon Sa Ang Ama – Ano Ang Solusyon Sa Problema Sa “Ang Ama”