Paano Mo Ito Maipapakita Ang Pagiging Bayani Sa Paaralan? (Sagot)
PAGIGING BAYANI – sa paksang ito, ating aalamin kung ano ang mga paraan na maipakita mo ang pagiging bayani sa luob ng paaralan.
Sabi nga naman ni Jose Rizal, “Ang Kabataan Ang Pag-asa Ng Bayan”. Sinabi niya ito dahil alam niya na ang pag-angat ng kanyang bayang minamahal ay nasa kamay ng mga sumusunod na henerasyon.
Maraming nagawa si Rizal para sa ating bayan, pero, bilang isang estudyante, paano mo naman ito maipapakita sa luob ng paaralan?
Sa simpleng pag-aaral, nagiging bayani ka na, hindi man para sa buong bayan, kundi para sa iyong pamilya. Kumakayod sila para maitaguyod ang iyong edukasyon kaya naman upang makabawi, kailangan lamang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng magandang trabaho.
Isa rin sa puwede mong gawin ay ang pagsali sa mga environmental clubs. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamalaking porsyento ng biodiversity sa buong mundo. Kaya naman, dapat gumawa tayo ng mga paraan upang maipaglaban ang ating mga likas na yaman. Ang mga ito ay parti ng ating bansa, at ang pagtangol dito ay gawain ng mga bayani.
Pero, ang isa sa pinakamadaling paraan na maipakita ang pagiging bayani ay ang pagiging matulungin sa kapwa, lalo na sa bahay at paaralan. Kung may nakikita kang estudyante nanahihirapan sa kanyang sitwasyon, tulungan mo agad.
Ito ay dahil ang pagiging bayani ay hindi nasusukat sa laki ng tulong na binigay mo, kundi sa pagiging hindi makasarili at pag-bigay halaga sa mga nangangailangan ng tulong.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Talatang Naglalahad – Kahulugan At Halimbawa