Ano Ang Kahulugan Ng Diyalogo? (Sagot)
DIYALOGO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan at halimbawa ng mga “diyalogo”.
Ang isang diyalogo ay nagbibigay daan upang ang bawat isa sa ating mga komunidad o higit pa ay magkakaroon ng ugnayan. Dati, maaari lamang mag diyalogo sa personal o sa pamamagitan ng pagtawag.

Ngunit, dahil sa paglaganap ng teknolohiya, kahit sino ka man saang dako man ng mundo, puwede ka nang gumawa ng diyalogo sa kahit anong paksa sa iba’t-ibang tao. Bukod rito, tumutulong rin ang diyalogo para maibahagi sa ating kapwa ang mga kaalaman na na kuha natin galing sa ating mga kasanayan.
Sa pamamagitan ng diyalogo ay madali nating naipaparating sa ating kapwa ang mga gusto nating ipahiwatig at mga nararamdaman. Dahil dito, may pagkakataon na tayong makilala ng lubos ang ating mga kapwa dahil sa likas na “social nature” ng mga tao.
Sa mga kwento, palagi rin tayong makakakita ng diyalogo. Ito ang ginagamit ng manunulat upang bigyan perspektibo ang pinagdadaanan ng isang tauhan sa kwento. Depende rin sa klase ng kwento, ang diyalogo ay maaaring maging pormal o di pormal.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Sinasalamin Ng Wika Ang Kultura – Kahulugan At Halimbawa