Ano Ang Sinasalamin Ng Panitikan? Kahulugan At Halimbawa

Ano Nga Ba Ang Sinasalamin Ng Panitikan? (Sagot)

SINASALAMIN NG PANTIKAN – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang sinasalamin ng panitikan at ang mga halimbawa nito.

Ang panitikan ay isa sa mga matagal nang haligi ng ating kutura at kasaysayan. Ito ay inaaral natin sa paaralan upang mapanatili at mapaalala ang ating mga pinanggalingan at maipasa ito sa mga susunod pang henerasyon.

Ngunit ano nga ba ang isinasalamin nga mga panitikang ito? Inaalam ba natin ang ating koneksyon sa mga ganitong pangkasaysayang likha?

Ano Ang Sinasalamin Ng Panitikan? Kahulugan At Halimbawa

Ang sining na ito ay sumasalamin sa ating pamumuhay bilang isang tao at ng pangkalahatan. Ito ay nagpapahayag ng ating iba’t ibang karanasan at pamumuhay sa ating kasaysayan. Tulad na lamang ng mga idyoma o sawikain na tila’y malalalim na mga salita ngunit tumutukoy lamang sa pangkaraniwang pangyayari o karanasan ng mga tao.

Gayunpaman ay nag iiba ang buhay ng tao sa paglipas ng panahon kung kaya’t ang sinasalamin nga panitikan ay maaaring hindi maiuugnay sa lahat. Sabay ng pagbago ng panahon ay ang pagbago ng pagsasalamin ng panitikan sa ating mga buhay.

Tayo mismo ang nagbibigay buhay sa mga panitikang ito kung kaya’t malaki ang dahilan kung bakit kailangan natin itong pahalagahan. Ang ating pamumuhay ang sinasalamin ng panitikan at tayo rin ang nagsasalamin rito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Nagkakaintindihan Ba Si Tarzan At Mga Hayop Sa Gubat?

Leave a Comment