Pagkakaiba Ng Malikhaing Pagsusulat at Akademikong Pagsusulat

Ano Ang Pagkakaiba Ng Malikhaing Pagsusulat At Akademikong Pagsusulat? (Sagot)

MALIKHAIN AT AKADEMIKONG PAGSUSULAT – Sa paksang ito, ating aalamin ang pagkakaiba ng Malikhaing Pagsusulat at Akademikong Pagsusulat.

Bilang isang estudyante, kadalasang makikit ang dalawang uri ng pagsusulat na ito. Pero ano nga ba ang kanilang kaibahan?

Una sa lahat, ang malikhaing pagsusulat ay walang sinusunod na porma. Ibig sabihin, hindi niya kailangang sumang-ayon sa ano mang limitasyon. Samantala, ang akademikong pagsusulat naman ay merong sinusunod na pormat.

Pagkakaiba Ng Malikhaing Pagsusulat at Akademikong Pagsusulat

Bukod rito, ang akademikong pagsusulat ay kadalasang ginagamit sa mga tesis. Ito rin ay nagtatangkol sa isang argumento. Meron itong tinatawag na Abstrak, at Introduksiyon.

Samantala, ang malikhaing pagsusulat naman ay puwede ring magtangkol ng isang argumento. Pero, magagawa ito sa isang moderno at di-pormal na paraan. Ang iyong opinyon ay maari mo ring ilagay sa malikhaing pagsusulat.

Ilan lamang sa mga halimbawa ng malikhaing pagsusulat ay ang mga essay, maikling kwento, bugtong at iba pa. Sa pamamagitan ng malikhaing pagsusulat, maipapahiwatig mo rin ang iyong karanasan at mga aral na nakuha mo sa iyong buhay.

Ang mga ito ay hindi mo maaring mailagay sa akademikong pagsusulat dahil dapat may basihan at “factual” ang mga nailagay mo kasabay ng ebidensiya.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: What Is Crime? Definition And Usage Of This Term

Leave a Comment