Walang Oras – Isang Talumpati Tungkol Sa Relasyon Sa Ating Pamilya
WALANG ORAS – Sa panahon ngayon, binabalewala na lang natin ang pagkakaroon ng oras para sa ating pamilya. Ito ang dahilan kung bakit napili namin ang paksang ito.
Ang ating pamilya ang nagsisilbing takbuhan sa kapanahunan ng problema at kung wala na tayong mapuntahan. Habang lumalaki tayo ay dumarami rin ang ating mga nakikilala at ito ay ang ating mga kabigan.
Mga kaibigan na naaapektuhan ng teknolohiya kung kaya’t minsan iniimpluwensya nila sa atin ang hindi magandang idinudulot nito sa kanila. Sila na ngayon ang ating nagiging takbuhan sa kasagsagan ng problema na kahit ang ating pamilya ay walang alam.
Pagkagising natin sa umaga ay agad cellphone ang ating hinahanap, tama ba? Saka maliligo tayo, magbibihis, kakain ng agahan at pupunta sa eskwela pagkatapos.
Doon makikipagkwentuhan sa mga kaklase at kaibigan at sa oras ng pag-uwi, diretsong pupunta sa kuwarto para harapin ang mga gawaing-paaralan o kaya’t mag-fafacebook, twitter, instagram o wattpad saka na lang lalabas sa oras na kakain tapos matutulog.
Natapos na ang buong araw mo, may nailaan ka man lang ba para sa iyong pamilya o nakalimutan mo? Nakalimutan na ika’y isang anak sa iyong mga magulang? Minsan nga ang pagiging kapatid ay naisasawalang bahala na rin.
Ang mga magulang natin ang naging una nating gabay sa mundong ito at ang mga kapatid natin ang una nating kalaro mapa-takbuhan, taguan, o bahay-bahayan man.
Wala nang panahon at wala nang oras. Huwag natin sabihin ‘yan kahit mayroon pa kasi dadating ang punto na talagang wala na. Ang buhay ay puno ng pagpaalam.
Hilingin mang ibalik lahat sa dati kailanma’y hindi mangyayari. Ang oras nga ba ang may pagkukulang o tayo mismo ang nagkukulang? Ikaw? Ano sa tingin mo?
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Makabagong Karunungang Bayan – Halimbawa At Iba Pa