Epekto Ng Teknolohiya Sa Relasyon Sa Ating Pamilya

Ano Ang Epekto Ng Teknolohiya Sa Ating Pamilya? (Sagot)

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA – Dahil sa teknolohiya, maraming tao ang natutulungan. Subalit, ano nga ba ang epekto nito sa ating relasyon sa pamilya.

Ang ating mundo ay nasakop na ng teknolohiya at pate ang ating mga sarili ay nasakop na rin. Ang mga makabagong teknolohiya na ang ating nakakasama sa pang-araw-araw habang nababalewala na ang ating pamilya.

Sabihin nating ang ating pamilya ay palaging nariyan pero naisip mo man lang ba na ang lahat ay may hangganan? Marami na ang nangyayari sa ating kapaligiran, ano nga ba ang rason sa pagbabalewala sa ating pamilya?

Epekto Ng Teknolohiya Sa Relasyon Sa Ating Pamilya

May rason nga ba o ang ating sarili mismo ang nagpapalayo sa atin sa kanila? Hihintayin na lang ba nating umabot ang lahat sa hangganan?

Ngayong nagkaisip na tayo saka naman nakalimot. Limot na ba talaga natin o sadyang iniisip lang natin na palagi silang nariyan kung kaya’t hindi natin sila kadalasang binibigyang halaga? “Wala nang panahon. Wala nang oras.”

Kadalasang rason nating mga kabataan. Dalawampu’t apat na oras sa isang araw at hindi mo man lang mabigyan kahit iilang minuto lamang para makasama sila – ang iyong buong pamilya.

Kung iisipin, mas maraming oras pa ang iyong nilalaan sa paggamit ng teknolohiya o kaya sa pagkukulitan kasama ang kabarkada.

Subalit, malaki rin ang tulong ng teknolohiya sa mga pamilyang malayo sa isa’t-isa. Dahil dito, mas napapalapit ang mga malalayong pamilya at mas napapadali ang pag komuneka nila.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Slogan Para Sa COVID-19: Temang “Tulog Ang Laban Para Sa COVID-19”

Leave a Comment