Ano Ang Pangunahing Pagkain Ng Indonesian? (Sagot)
PANGUNAHING PAGKAIN NG INDONESIAN – Lahat ng mga bansa ay may kani-kanilang pangunahing pagkain.
Sa pagksang ito, ating pag-aaralan ang Indonesia at ang kanilang pangunahing pagkain.
Isa sa mga pangangailangan ng mga tao dito sa mundo ay ang pagkain. Ang Indonesia ay kilala sa mga pagkain nilang makulay at may nakaka-engganyong amoy. Mahilig ang mga Indonesian sa paggamit ng iba’t ibang herb at spices para pasarapin ang kanilang mga luto.
Ang Indonesian cuisine ay mailalarawan mong maanghang, malasa, mainit, at matamis na may konting halo ng asim at pait.
Katulad ng karamihan ng mga bansa sa Asia ang Indonesia ay isa rin sa mga bansang kanin o steamed rice ang pangunahing pagkain.
Kasama rin sa paboritong pagkain ng mga Indonesian ang nasi goréng (sinangag at itlog na may gulay), satay (inihaw na karneng nakatuhog), at gado-gado (pinaghalong gulay at pinakuluang itlog na may peanut sauce).
Sikat din sa kanila ang mga “street foods” kung saan nilulunod sa kumukulong mantika ang mga pagkain tulad ng krupuk (deep fried shrimp crackers), mie goreng (Indonesian noodles), at pempek (deep fried fish cake). Mayroon din silang pinagbibiling mga kakanin at tinapay katulad ng bakpau (steamed meat buns), at roti (flatbread).
Hindi lamang sa panlasa metikuloso ang mga Indonesian kung hindi pati rin sa paningin, kay ang makukulay na mga pagkain ay inihahanda ng napapaligiran ng makukulay na pinggan para dumagdag ang gana sa pagkain at maganda sa paningin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Bakit Bansang Multilinggwal Ang Pilipinas? – Paliwanag