Bakit Bansang Multilinggwal Ang Pilipinas? (Sagot)
MULTILINGGWAL ANG PILIPINAS – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba multilinggwal ang bansang Pilipinas.
Ang Pilipinas ay maituturing na multilingual sa kadahilanang ito ay nasakop ng iba’t ibang bansa na nagbigay ng malaking impluwensiya sa ating wika at komunikasyon.

Isa pang dahilan ay pagiging watak-watak na kapuluan ang buong bansa na naging sanhi upang magkaroon ng pag-iibang anyo o “variation”, ito ay ang mga dialekto. Sa kabuuan may taglay na 175 na wika at dialekto ang Pilipinas ngunit mayroong 8 major dialects lamang: Bikol; Cebuano; Hiligaynon; Ilocano; Kapampangan; Pangasinan; Tagalog; at Waray.
Sa tala ang Tagalog ang may pinakamaring native speaker na umaabot sa mahigit 26 milyon, kasunod ang Cebuano na mayroong 21 milyon na native speakers, pangatlo ay ang Ilocano na may malapit sa 8 milyon.
- Tagalog – 26,387,855
- Cebuano – 21,340,000
- Ilocano – 7,779,000
- Hiligaynon – 7,000,969
- Waray – 3,100,000
- Bikol – 2,500,000
- Kapampangan – 2,480,000
- Pangasinan – 2,434,086
Dahil sa dami ng wika at dialekto sa Pilipinas ay gumawa ng batas na nagsasaad na ang Filipino ang magiging opisyal na wika ng bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Paano Mag Incognito? Mga Hakbang Kung Paano Gamitin Ang Incognito