Kahulugan Ng Adhikain – Paliwanag At Mga Halimbawa Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Adhikain? (Sagot)

ADHIKAIN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang adhikain at ang mga halimbawa nito.

Ang adhikain ay maaring tawagin na layunin o hangarin ng isang tao. Sa Ingles, ito ay maaring isaling sa salitang “advocacy”. Kadalasan, ang isang adhikain ay ang tinatawag na “long term” or pangmatagalang layunin o pakay.

Ang layunin ay maaring panandalian laman, pero ang adhikain ay pangwatagalan na nasasaklawan ng mahaba-habang panahon. Bukod rito, and mga adhikain ay kadalasan ring tinutupad para sa kabutihan ng nakararami.

Kahulugan Ng Adhikain – Paliwanag At Mga Halimbawa Nito

Isang halimbawa nito ang pag-aaral ng iba’t-ibang wika upang magamit sa pagtuturo at pakikipagtalastasan sa ibang tao. Dahil rito, mas malawak ang maaabot ng pagtuturo na posibleng magdulot ng kabutihan sa ibang tao.

Ang pag-aalaga at ang pag kampanya para sa kalikasan ay isa rin sa mga mahahalagang adhikain. Hindi madali ang adhikaing ito, at kadalasan, buong buhay dapat ito na gawain, ngunit, ito rin ay para sa mga sumusunod na henerasyon.

Puwede mo ring masasabi na ang isang adhikain ay isang kilos o proseso na naglalayong suportahan ang isa bagay, ideya o plano. Isa na rito ang pagtutulong sa mga bata. Makikita ang halimbawang ito sa mga taong “social worker”.

Sila yung may adhikaing tulungan ang mga taong hindi ganoon ka swerte sa kanilang buhay, lalo na ang mga kabataan. Kaya naman, naging adhikain nila na bigyan sila ng tulong sa mga bagay tulad ng damit, pagkain, edukasyon, at iba pa.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Porma Ng Abstrak Na Sulatin – Paliwanag At Iba Pa!

Leave a Comment