Ano Ang Kaligirang Pangkasaysayan Ng Pabula? (Sagot)
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kasaysayan ng mga pabula, paano ito naimbento at iba pa.
Ipinilagay na nagsimula ang pabula kay Aesop, isang aliping Grigoryo sa taong 400 B.C. Tinipon ni Aesop ang mga sinaunang pabula at sumulat din siya ng mga pabula tungkol sa buhay at kalikasan ng tao at sa kalagayan ng lipunan.
Ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga sinusulat. Tinatayang nakalika si Aesop nang higit sa 200 na pabula bago siya namatay. Pagkatapos ni Aesop, maraming manunulat ng pabula ang nakilala.
Sila ay sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus, at Planudes. Samantala, ang mga pabula naman ay nakarating sa Pilipinas bago paman tayo nasakop ng mga Espanyol.
Tulad lamang ng ibang kwentong-bayan, ang mga pabula ay nagsimula sa pagsalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno ng kanilang mga kwento. Pero, nang natuklasan na nila ang sistema ng panunulat, ang mga pabula ay natuklasan ring naiukit sa malalaking bato, balat ng punong kahoy, talukap ng niyok, at mga malalaking dahon ng iba’t-ibang halaman.
Pagkatapos nito, mayroon na ring mga naisulat sa papel at na imprentang pabula hanggang ito ay laganap na sa kasalukuyan nating panahon.
BASAHIN RIN: Ambag Ng Karunungang Bayan Sa Kultura At Kasaysayan