Bakit Nagsusulat Ang Tao? – Essay Kung Bakit Nagsusulat Ang Isang Tao

Bakit Nagsusulat Ang Tao? (SAGOT)

BAKIT NAGSUSULAT ANG TAO? – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung bakit nga ba nag susulat ang isang tao.

Ang isang sulat ay naglalaman ng mga titik at salita na kung saan ay bumubuo ng isa o higit pang mga ideya. Ang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao ay walang isang kasagutan sapagka’t marami ang maaaring rason kung bakit naisipan nilang gawin ang nasabing aktibidad.

Bakit Nagsusulat Ang Tao? – Essay Kung Bakit Nagsusulat Ang Isang Tao

Isa na rito ay ang pagpapahayag ng sariling saloobin. Hindi lahat ng tao ay may katapangang makapagsalita sa harap ng iba kung kaya’t mas pinipili nilang isulat ang kung anuman ang nais nilang iparating o ipahayag.

Dito napapabilang ang mga “love letter” na pangkaraniwang sinusulat para sa iniibig. Ang pagpapasa rin ng mga papeles o “requirements” sa paaralan man o sa trabaho ay maari ring kadahilanan ng pagsulat ng isang tao.

Tulad na lamang nga pagsumite ng “excuse letter” kapag ika’y hindi nakapasok sa paaralan at ang pagpasa rin ng “resignation letter” sa trabaho kung ika’y aalis na rito. Marami pang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao pero ang huli sa sanaysay na ito ay ang kadahilanang hilig nila.

May mga tao na naging buhay na ang pagsusulat dahil sa pamamagitan nito ay nagiging malaya sila at nailalabas nila kung ano man ang nasa kanilang isip at damdamin. Ang mga taong ito ay ang kinikilala nating mga “author”, mula sa kanunuan natin hanggang sa bagong henerasyon ng mga manunulat ngayon.

Nakikilala natin sila dahil mula pagkabata natin ay pinapabasa na tayo ng libro upang matuto. Sa pagtanda natin ay sarili na nating kagustuhan kung bakit tayo nagbabasa ng mga sinusulat nila.

Sa pagkakaroon ng mga masugid na mambabasa tulad natin ang naging inspirasyon ng ibang manunulat kung bakit sila hindi humihinto at patuloy lamang na maging isang totoong alagad ng sining.

BASAHIN RIN: Kapit Sa Patalim Kahulugan – Paliwanag At Iba Pa!

Leave a Comment