Bakit Mahalaga Ang Kasabihan? (Sagot)
BAKIT MAHALAGA ANG KASABIHAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga kasabihan.
Sa ating buhay, marami na tayong kasabihang narinig. Puwede itong nanggaling sa ating mga magulang, mga lolo at lola, sa paaralan, sa mga kaibigan natin, o kaya’y tayo rin ang gumawa ng ating sariling kasabihan.
Kahit saan man natin nakuha ang mga ito, isa pa rin ang totoo. Ang mga kasabihan ay galing sa ating mga karanasan at mga aral na nakuha sa ating buhay. Dahil dito, masasabi nating mahalaga ang mga kasabihan.
Ito ang mga nagbibigay sa atin ng gabay at magandang aral. Bukod rito, napapalawak rin nito ang atung dunong. Ang mga kasabihan ay mahalagan aspeto rin ng ating kultura, dahil marami sa mga kasabihan ay nang galing pa sa ating mga ninuno.
Binabase ito sa kanilang sariling mga karanasan, mga pagkakamali, at mga tagumpay. Kaya naman, maari nating itong gamitin sa ating sariling buhay. Ang tawag rin sa mga kasabihan ay mga karunungang bayan.
Heto ang isang halimbawa:
Matutunan natin na kailangang unahin muna nating tapusin ang ating mga layunin bago tayo maglaro.
Ang ibig sabihin nito ay minsan, malalaman natin na hindi lang puwede kasiyahan sa ating buhay. Bukod rito, ipinapaalam sa atin ng kasabihan na dapat nating tapusin ng maaga ang ating mga layunin, dahil kung hahayaan lang natin ito, babalik rin ito sa atin.
Salamat sa pagbasa! BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Sawikain? – Sagot At Paliwanag