Pinagkaiba Ng Lipunan Sa Komunidad – Kahulugan At Halimbawa

Ano Ang Pinagkaiba Ng Komunidad Sa Lipunan? (SAGOT)

LIPUNAN AT KOMUNIDAD – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang pinagkaiba ng Lipunan at Komunidad.

Subalit magkapareho minsan sa gamit, maraming pinagkakaiba ang dalawang terminolohiyang ito. Ang isang komunidad ay grupo ng mga tao. Samanta, ang lipunan naman ay naglalarawan sa isang sistema ng panlipunang relasyon.

Pinagkaiba Ng Lipunan Sa Komunidad – Kahulugan At Halimbawa

Ang bawat komunidad ay may kani-kanilang kultura, ideya, at tumutulong sa isa’t-isa habang bumbuo ng panibagong mga solusyon sa isang problema. Samantala, ang isang lipunan ay ang sistema ng relasyong sosyal.

Kadalasan, ang isang komunidad ay mga taong naninirahan sa isang heograpikal na lokasyon. Ang grupo ng mga tao dito ay sumusunod sa mga batas, kaugalian at kultura ng mga naninirahan sa komunidad.

Dahil dito, maari nating sabihin na ang isang lipunan ay mas malaki kesa isang komunidad. Ito ay dahil ang komunidad ay isang grupo ng taong naninirahan sa isang lokal at may kultura na sa kanila lamang.

Ang lipunan naman ay walang ganap na “boundary”. Ito ay pangmalawakan na konsepto na sakop ang buong mundo. Heto ang kahalagahan ng Lipunan at Komunidad:

Kahalagahan ng Komunidad

  • Pagkakaisa
  • Dibisyon ng Trabaho
  • Kooperasyon
  • Pakikiramdam

Kahalagahan ng Lipunan

  1. Pagbuo ng Kultura
  2. Hindi tayo nag-iisa
  3. Social Equality
  4. Social behavior
  5. Social Efforts

BASAHIN RIN: Mahalagang Papel Ng Media At Internet At Mga Halimbawa

Leave a Comment